# a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z

Versuri Bawat sandali
- Paola Luz

Hindi ko na alam
Kung paano sasabihin
Na mahal kita
Wala nang mamahalin pa
At hindi ko na alam
Ano ba itong damdamin?
Sa tuwing ika'y kapiling
Mundo ko'y nagniningning.

Bawat sandali
Ikaw lang ang nasa isip
Bawat sandali
Pati na sa panaginip
At hindi ko lang alam kung ako ba'y mahal mo rin
Bawat sandali sana'y kapiling ka.

Saan man, kailan pa man
Mukha mo ang nasa isip
Tinig lang ng 'yong pangalan
Puso ko'y nananabik
Hindi na magunita ang mabuhay nang wala ka

Ito lamang ang asahan, pag-ibig ko'y walang hangganan.

Bawat sandali
Ikaw lang ang nasa isip
Bawat sandali
Pati na sa panaginip
At hindi ko lang alam kung ako ba'y mahal mo rin
Bawat sandali sana'y kapiling ka.

Bawat sandali
Ikaw lang ang nasa isip
Bawat sandali
Pati na sa panaginip
At hindi ko lang alam kung ako ba'y mahal mo rin
Bawat sandali sana'y kapiling ka..
Bawat sandali sana'y kapiling ka