Si
tatang ay beterano ng kutsero,.
maghapong ang kasama ay kabayo.
Pag uwi niya sa hapon gagapas ng damo para makain ng kaniyang kabayo.
Si tatang ay de-primerang kaskasero.
kaya tuloy natatakot ang pasahero.
Gusto'y laging matulin, hawak ang latigo at kaliwa't kanan ang palo sa kabayo.
KORO.
O tatang ko na kaskasero,.
huwag paluin ng paluin ang kabayo.
Pag ang kabayo'y nalito, hindi na magpreno.
ang punta mo ay sementeryo.
adlib.
Si tatang sobra ang tigas ng ulo,.
'di maawat sa pagiging kaskasero.
Gusto'y laging matulin ang takbo ng kabayo, dapat sa kanya ay drayber ng bumbero.
ulitin sa KORO (2x)