# a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z

Versuri Sa aking mahal
- Florante

Kay sakit ng malayo lalo na sa isang minamahal.

Puso ay nagdurugo, pagbabalik ang siyang ina-asam.

Tuwing gabi kasiping ko'y lumbay.

Kahit ako'y napipikit diwa ko'y naglalakbay.

Sa isip ko'y pilit na iginuguhit, larawan ng aking ini-ibig.

Aking mahal mawalay lang kahit saglit ang puso ko'y sumasakit.

Kay lungkot ng mag-isa damdamin ay palaging balisa.

Puso ay naninimdim mula umaga hanggang magdilim.

Tuwing gabi kasiping ko'y lumbay.

Kahit ako'y napipikit diwa ko'y naglalakbay.

Sa isip ko'y pilit na iginuguhit, larawan ng aking ini-ibig.

Aking mahal mawalay lang kahit saglit ang puso ko'y sumasakit.