Ang magmahal lalo na't wagas langit ang taas,.
walang wakas kung walang bakas ng pagkukunwari.
Ang magmahal ay gawaing banal, ito'y parang dasal,.
humihiling, uma-asa ng walang katapusan.
Pag-ibig kung wagas may katumbas, may kapalit,.
may magmamahal at ipaglalaban hanggang kamatayan.
Ang buhay man kahit iisa pag nagmamahal.
ibibigay kahit ang huling l***s ng hininga.
Magtataka at mag-iisip kung nagmamahal.
walang dilim, kita ang daan lahat ay matuwid.
Pag-ibig kung wagas may katumbas, may kapalit,.
may magmamahal at ipaglalaban hanggang kamatayan.
Pag-ibig kung wagas may katumbas, may kapalit na pag-ibig