An
g bawat isa ay may patutunguhan,.
may kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan.
Sa bawat landas na tatahakin sa buhay.
ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay.
Ako'y mayroong mga natutunan,.
mga gintong aral na dapat lang tandaan.
Hanggang kaya ko kayo'y aawitan,.
mga gintong aral aking babahaginan.
Katulad ng dapat lamang makinig sa ating mga magulang.
Sila'y pabalik na subalit tayo ay papunta pa lang.
At kung iyong gustong ika'y patawarin.
ikaw ay matuto na magpatawad din.
Ang bawat isa ay may patutunguhan,.
may kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan.
Sa bawat landas na tatahakin sa buhay.
ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay.
Marami akong mga natutunan,.
mga gintong aral na hindi malimutan.
Hanggang kaya ko kayo'y aawitan,.
mga gintong aral aking babahaginan.
Katulad ng dapat lang lingunin.
ang ating pinanggalingan.
Sa kapwa ay huwag mong gagawin.
ang ayaw mong gawin sa iyo.
Baka sa awitin ay maintindihan,.
ako'y tulungan 'nyo't ating pagsabayang awitin.