Buhay sa amerika - versuri Florante | Versuri.ro
Buhay sa amerika - versuri Florante | Versuri.ro
spacer
spacer
spacer
Spacer
  Versuri >> F >> FL >> Florante >> Buhay sa amerika
Urmăreşte artist

Versuri Florante - Buhay sa amerika


Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala,

kung Sabado habang nagpapahinga'y naglalaba.

at kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa

ng kung ano-ano basta alam na kikita.

Sa dami ng mga binabayarang hulugan

hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan.

Bagay na totoo at hindi kataka-taka,

marami ang ganyan ang buhay sa Amerika.

O ang buhay sa Amerika,

hindi laging langit at hindi laging masaya

lalo na kung malayo sa iyong minamahal

oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal.

O ang buhay sa Amerika,

hindi laging langit at hindi laging sagana

kaya doon sa nangangarap na dito tumira

isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna.

Dito'y pauutangin ka hanggang sa mabaon,

susubsob ka sa hanapbuhay para umahon.

Inaasahang suweldo kahit gaano kataas

lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas.

Dito'y marami rin nagtatago't tumatakbo

dahil sa ang papel nila'y hindi pa kumpleto.

Mayrong napipilitang sa kano'y magpakasal

maging legal lamang kahit na yung kano'y bungal.

O ang buhay sa Amerika,

minsan ay malungkot, minsan ay katawa-tawa

At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin,

kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin.

O ang buhay sa Amerika,

hindi laging langit at hindi laging maganda.

Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan

mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian.

Bayan kong Pilipinas tayo'y kanyang tatanggapin kahit anong oras.

Pilipinas kong mahal kita'y hindi maipagpapalit kahit kailan






Spacer
Spacer  Caută    cu Google direct


 Traducere automată



Autentificare
Close 


  spacer
Versiunea mobilă | RSS | Arhivă stiri | Arhivă cereri | Parteneri media | Resurse | Condiții de utilizare | Politica de confidentialitate | Contact
 
 

#   a   b   c   d   e   f   g   h   i   j   k   l   m   n   o   p   q   r   s   t   u   v   w   x   y   z