# a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z

Versuri Bugtong-bugtong
- Florante

Ma

y liwanag kung mayrong dilim,.

may sagot kung may katanungan.

May hangganan nga ba ang isip?.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon.

Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo.

kadalasang kasama ay mga karpintero.

At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato.

kailangang pukpokin ng martilyo.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon.

Hindi hayop, hindi tao mayrong buto't balat.

mahaba ang bituka at ito'y lumilipad.

Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad.

asahan mong ito ay sasadsad.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon.

May dila nga ngunit ayaw namang magsalita,.

kambal sila't laging kasama ang isa't isa.

Itali o igapos kahit higpitan mo pa.

tiyak silang sa iyo ay sasama.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon.

Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit.

mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik.

Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi,.

wakas niya ay ipinagbubunyi.

May liwanag kung mayrong dilim,.

may sagot kung may katanungan.

May hangganan nga ba ang isip?.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon.

Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon