Iisipin ng iba na ako'y abang-aba dahil sa kasuotan kong ito.
Ang pantalon ko'y may butas, ang laylayan ay tastas.
may tagpi ang kupas na polo ko.
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman, ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan.
'pagkat ako'y tao na may buto't laman tulad nila sa daigdig ay may karapatan.
Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang dahil ang naabot ko'y mababa lang.
Iisa ang diploma, marka'y pasang awa pa, nakamit sa isang mababang paaralan.
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman, ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan.
'pagkat ako'y tao na may buto't laman tulad nila sa daigdig ay may karapatan.
adlib.
May dugo at may laman, may puso at isipan, ako'y tao na mayrong pakiramdam.
Kahit na ina-aba at ituring pang mangmang, ako'y tao na walang pakialam.
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman, ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan.
'pagkat ako'y taong husto ang isipan tulad nila sa daigdig ay may karapatan