Ak
o'y isang pinoy sa puso't diwa.
Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita.
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat. Jose Rizal noo'y nagwika.
Siya ay nagpangaral sa ating bansa.
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika.
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
Wikang pambansa ang gamit kong salita.
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan.
Ako'y isang pinoy sa puso't diwa.
Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika