# a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z

Versuri Tupad na pangarap
- Camille Santos

trimise de SavinaSavina.

Kayraming pangarap minsan natutupad
Minsan 'di para sa atin
Sa mga pagkakataong ito
Ako'y nagpapasalamat pa rin.

Sa pagsikat ng araw
Liwanag ng buwan at bituin
Tubig sa dagat, mga puno't bundok
Sariwang simoy ng hangin.

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko.

Mga bituin sa kalangitan
Kailangan ba'ng abutin?
Ang liwanag nito'y magniningning
Ay kaligayahan sa akin.

Bahaghari pagkatapos ng ulan

Halakhak at awiting kay sarap pakinggan
Mga taong mabait at makakabigay
Yakap at ngiti ng mahal sa buhay.

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko.

Kagandahan, kabutihan, kaligayahan ang hatid..

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko.

Oh kay ganda ng ating mundo
Tupad na ang pangarap ko