# a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z

Versuri Habang atin ang gabi
- Border South

Sumapit man ang dilim
Hindi mangangamba
Magkakanlong sa dilim
Hindi nag-iisa
Dahil kapiling ka ooh.

Lumalim man ang gabi
Hindi mahihimbing
Aabangan ang buwan
Habang binibilang ang mga bituin.

REFRAIN:
Ang luha at dahas
Ng nagdaang umaga
Sa lambong ng gabi
Tila naglaho na
May luha at dahas
Sa darating na bukas
Ngunit habang gabi

Walang mababakas ooh.

CHORUS:
Yakapin mo ako
Habang ating ang gabi/mundo
(Habang atin ang.. ooh..).

Paglipas ng magdamag
Hindi malulumbay
Dahil buong magdamag
Tayong dal'wa sinta
Nangarap ng sabay.

(Repeat REFRAIN)
(Repeat CHORUS 2 times).

CODA:
Yakapin mo ako
Habang atin ang gabi